Tumulak Huwebes ng umaga ang isang batalyon ng Philippine Marines patungong Mindanao na kasalukuyang nasa ilalim ng batas militar.
Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-Bayt (ABNA24) - Lulan ng tatlong C-130 aircraft ang nasa 400 miyembro ng tropa ng 7th Marine Battalion na una nang sumailalim sa retraining program sa Fort Bonifacio.
Ayon kay Brig. Gen. Alvin Parreño, deputy commandant ng Philippine Marines, sa lungsod ng Marawi ipapadala ang tropa at posibleng tumulong sa opensiba ng militar laban sa teroristang grupong Maute.
Maaari din aniya silang magamit sa non-combat mission, depende sa magiging deployment ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines paglapag nila sa Cagayan de Oro.
Dagdag ni Parreño, nakahanda aniya ang mga ipinadalang tropa sa labanan sa Marawi dahil dati na silang na-assign sa Mindanao.
Sa pagpapadala ng panibagong tropa, 3 batalyon na ng Philippine Marines ang naka-deploy sa Marawi City habang 7 batalyon naman ang nasa iba pang bahagi ng Mindanao.
Ito ay bahagi ng regular deployment ng Marines na inaabot ng hindi bababa sa 6 na buwan.
1 Hunyo 2017 - 22:45
News ID: 833619
Tumulak Huwebes ng umaga ang isang batalyon ng Philippine Marines patungong Mindanao na kasalukuyang nasa ilalim ng batas militar.